Pangarap umano para kay Cultural Center of the Philippines President Arsenio 'Nick' Lizaso na maging lead cast sa pinaplano niyang TV series adaptation ng nobelang 'Noli Me Tangere' sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o mas kilala bilang 'KathNiel,' gayundin ang magandang aktres na si Liza Soberano.
Ang Noli Me Tangere ay unang nobela ni Dr. Jose Rizal, at ang sequel naman o karugtong nito ay El Filibusterismo.
Aniya, mas nais niyang gumanap ang mga millenial actors upang maka-related dito ang mga mag-aaral, lalo na ang mga Grade 9 at Grade 10 students sa Junior High School. Pinag-aaralan ang Noli sa Grade 9 at El Fili naman sa Grade 10.
Kung mangyayari man umano ito, baka raw ang maging role ng KathNiel ay Crisostomo Ibarra at Maria Clara, o kaya naman ay Elias at Salome.
Si Liza naman daw ay si Sisa, ang martir na ina nina Crispin at Basilio, na nawala sa sariling katinuan.
Samantala, wala pa namang reaksyon ang KathNiel, si Liza, o kanilang mga talent managers hinggil dito.