Hahawakan na ng Department of Justice ang kaso ni Julian Roberto Ongpin, anak ng isang bilyonaryo na sangkot umano sa iligal na droga, matapos ipag-utos ng La Union Office of Provincial Prosecutor na ipasa na lamang ang lahat ng record nito sa Office of the Secretary of Justice Prosecution Staff (OSJPS) ng DOJ.
Ito ang kinumpirma ni DOJ Undersecretary Emmeline Agalipay-Villar kung saan mismong si DOJ Secretary Menardo Guevarra umano ang nag-utos nito sa ilalim ng Department Order No. 229.
“The order designated a panel of two prosecutors from the OSJPS to conduct the preliminary investigation of the complaint and to file the corresponding information/s in court if warranted by the evidence,” sinabi ni Villar sa pamamagitan ng isang text message.
Matatandaang nasangkot si Ongpin matapos na makakuha ng 12.6 gramo ng cocaine sa loob mismo ng kuwartong inookupahan nila ng girlfriend na si Bree Jonson sa isang resort sa San Juan ng nabanggit na lalawigan, kamakailan.
Beth Camia