Kasunod ng patuloy pa ring krisis na dala ng pandemya sa mga Pilipino, namahagi ng tulong-pinansyal ang Philippine Red Cross (PRC) sa mga pamilyang apektado ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa humanitarian organization, nakapagbigay na sila sa kabuuang P81,074,000 na tulong-pinansyal sa mga apektadong pamilya sa 45 minisipyo at 21, 791 barangay sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“The declaration of the nationwide lockdown caused many people to lose their jobs, especially those with daily wage jobs,”sabi ng PRC sa isang pahayag nitong Linggo, Setyembre 26.

Ayon sa PRC, naabot na nila ang nasa 23, 164 pamilya sa Metro Manila, Olongapo, Bulacan, Rizal, Western Samar, Leyte at Cebu kung saan ang bawat benepisyaryo ay tumanggap ng halagang P3,500.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Ang pamamahagi ng ayuda ay kaugnay pa rin ng pakikipag-ugnayan ng PRC sa International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies (IFRC), American Red Cross, at Netherlands Red Cross.

“Etong cash assistance na ito ay tulong upang sila ay magkaroon ng dignidad at makatayo sa kanilang mga paa, ani PRC Chairman and Chief Executive Officer (CEO) Senator Richard Gordon.

“Maliit lamang na halaga, ngunit malaking tulong ito sa mga taong nawalan ng trabaho ngayong pandemya,” idinagdag niya.

John Aldrin Casinas