Inulat ng Department of Health (DOH) nitong Linggo Setyembre 26 ang dagdag na 20,755 indibidwal na nahawaan ng coronavirus disease (COVID-10) habang walang naidagdag na kaso ng mga nasawi sa loob ng tatlong araw dahil sa teknikal na problema ng system ng ahensya.

Nasa 161,447 na ang kabuuang aktibong kaso sa bansa. Sa bilang, 81.1 percent ang may mild symptoms, 13.4 percent naman ang asymptomatic, 0.7 percent ang kritikal, 1.6 percent ang severe at 3.18 percent ang nasa moderate condition.

Nananatiling 37, 405 ang tala ng mga nasawi sa sakit.

“No deaths were reported today due to technical issues in COVIDKaya. The Department of Information and Communications Technology is currently addressing issues encountered by the system,” sabi ng DOH.

National

Nasa 18M graduates ng high school noong 2024, hindi 'functional literate'

“When the issue is resolved, the succeeding increase in deaths in the following reports will be due to the previous days’ backlogs,” dagdag nito.

Nasa kabuuang  2,490,858 na ang buong bilang ng mga nahawaan ng sakit sa bansa kung saan 2,292,006 dito ay nakarekober na kasunod ang 24,391 na mga gumaling sa virus nitong Linggo.

Analou de Vera