Isang 4.2 magnitude na lindol ang tumama sa ilang bahagi ng Bohol province nitong hapon ng Linggo, Seytembre 26, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng ahensya, ang epicenter ng lindol ay natukol 3 kilometers (km) west ng Catigbian Bohol nitong ika-1:30 ng hapon.

Phivolcs

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

“Mahina” lang ang naging pagyanig ng lupa na nagtala ng Intensity III sa mga munisipalidad ng Calape, Balilihan, at Tubigon sa lalawigan ng Bohol.

Samantala, Intensity II naman ang naitala sa Tagbilaran, Bohol.

Ayon sa Philvolcs, tectonic ang origin ng lindol, ibig sabihin sanhi ng paggalaw ng isang aktibong fault sa lugar ang lindol.

Mababaw rin ito sa depth na 6 km kaya’t naramdaman pa rin sa ilang kalapit na lugar.

Wala umanong inaasahang malalang danyos sa mga ari-arian at malalakas na aftershocks dahil sa pagyanig, sabi ng Phivolcs.

Ellalyn De Vera-Ruiz