CAGAYAN - Tumaas pa ang bilang ng mga namatay sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lalawigan matapos pa itong madagdagan ng 670 na asawi sa nakalipas na 25 araw.
Dahil sa karagdagang bilang ng nasawi, umabot na sa 1,553 deaths ang naitala ng Cagayan Provincial Information Office, kabilang ang 25 pa nitong Sabado ng gabi.
Sa naturang bilang, anim ang naitala saTuguegarao City na nakapagtalang 125 na binawian ng buhay simula Setyembre 1-25.
Apat naman ang namatay sa Solana at Enrile; tatlo sa Lal-lo; dalawa sa Alcala; tig-isa sa Abulug, Camalaniugan, Gonzaga, Iguig, Sta. Ana, at Sta. Teresita.
Nitong Sabado, kabuuang 396 ang nagpositibo sa virus kung saan nangunguna na naman ang Tuguegarao City sa 76 pang dagdag na kaso, 29 naman sa Pamplona, 28 sa Aparri at Sto. Child, 24 sa Allacapan, at 20 sa Lasam at Sta.Praxedes.
Sa ngayon, aabot na sa 4,561 ang aktibng kaso ng sakit sa lalawigan.
Liezle Basa Iñigo