WASHINGTON, United States -- Patay ang dalawang taong gulang na batang lalaki sa Texas matapos niyang mabaril ang kanyang sarili gamit ang baril na nakita sa backpack ng kamag-anak, ayon sa mga opisyal.

Nagtamo ng isang tama ng bala sa ulo ang batang lalaki at dinala sa ospital ngunit kalaunan ay namatay ito, ayon sa pahayag ng lokal ng pulisya sa inilabas noong Huwebes.

Matapos ang insidente, tumakas ang kamag-anak na nagmamay-ari ng baril, ngunit bumalik ito at kinulong. Ang 21-anyos na suspek ay sinampahan ng kaso kasama ang nakitang ebidensya.

Ayon sa Everytown for Gun Safety, isang gun control advocacy organization, 765 na tao ang namamatay gamit ang baril at mahigit 1,500 naman ang sugatan simula 2015 hanggang 2020 sa "unintentional shootings" ng mga bata. 

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Tinawag ng grupo ang mga insidente bilang "heartbreaking part of America's gun violence epidemic." 

“Every year, hundreds of children in the United States gain access to unsecured, loaded guns in closets and nightstand drawers, in backpacks and purses, or just left out,” ayon sa website ng grupo.

“With tragic regularity, children find these unsecured guns and unintentionally shoot (themselves) or someone else.” dagdag pa nito.

Ginagarantiyahan ng Konstitusyon ng Estados Unidos ang karapatang magdala ng armas ang 30 na porsyento ang mga may sapat na gulang na Amerikano. 

Kada taon, 40,000 ang namamatay dahil sa gun violence, ayon sa Gun Violence Archive, isang website na nagtatrack ng gun deaths.

Agence-France-Presse