Nadagdagan pa ng dalawang madre sa kongregasyon ng Religious of the Virgin Mary (RVM) ang binawian ng buhay sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Quezon City.

Ito ang kinumpirma niRVM spokesperson Sister Ma. Anicia Co nitong Linggo at sinabing umabot na sa 10 na miyembro ng RVM ang namatay sa COVID-19.

Nagkakaroon na aniya sila ng kakapusan ng madre at mga tauhan na tutugon sa pangangailangan ng iba pang maysakit na miyembro ng kongregasyon.

Matatandaang isinapubliko ng RVM na umabot sa 62 madre at 53 na staff members ng kumbento ang nahawaan ng sakit, kamakailan.

National

Nasa 18M graduates ng high school noong 2024, hindi 'functional literate'

Aaron Dioquino