Nag-iimbestiga na ngAnti-Money Laundering Council (AMLC) sa posibleng pagkakasangkot ng Pharmally Pharmaceutical Corporation samoney laundering activities.

Ito ay nang itanggi ni Quirino Rep. Junie Cua, vice chairman ng House Committee on Appropriations, na walang ginagawa ang AMLC sa usapin.

Kumbinsido naman si Asst. Minority Leader at Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas na dapat nang silipin ng AMLC ang Pharmally dahil nakuha nito ang ₱8 bilyong supply contract sa pamahalaan

Nauna nang pinuna ni Brosas ang AMLC na wala umanong ginagawa kaugnay ng transaksyon ng Pharmally sa pamahalaan.

National

PBBM, balik-trabaho na? 2025 Nat'l Budget, muling pinag-aaralan

“Hindi naman walang ginawang aksyon. Nasa first stage pa lamang sila ng intelligence gathering, analyzing the transaction,” pahayag ni Cua sa ginanap na plenary deliberation sa badget ng AMLC para sa 2022.

Ben Rosario