Nagbabadyang magpatupad muli ang mga kumpanya ng langis sa bansa ng dagdag-presyo sa kanilang produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng tumaas ng ₱0.90 hanggang ₱1.00 ang presyo ng kada litro ng kerosene, ₱0.80-₱0.90 sa presyo ng diesel at ₱0.50-₱0.60 sa presyo naman ng gasolina.

Ito ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.

Sakaling ipatupad, ito na ang ikalimang sunod na linggong taas-presyo sa petrolyo.

National

PBBM, balik-trabaho na? 2025 Nat'l Budget, muling pinag-aaralan

Sa pagsuma sa loob ng apat na linggong pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, umabot na sa kabuuang ₱2.70 ang nadagdag sa presyo ng diesel, ₱2.30 sa kerosene at ₱2.10 naman sa gasolina.

Bella Gamotea