Tinalakan ni Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid ang mga netizens na nagrereklamo dahil isinasama niya sa kaniyang sariling live session show na 'Turtleneck sesh' na napapanood sa YouTube channel nito.

Ayon sa tweet ni Regine noong Setyembre 23, "Disclaimer: yung mga makakapal ang mukhang magreklamo tapos ma-tweet pa UTANG NA LOOB wag na kayong manood!! Para ang laki ng binabayad n'yo sa asawa ko ha!!!! Libre lang kaya walang basagan ng trip!!!!"

Larawan mula sa Twitter/Regine Velasquez-Alcasid

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Gusto yata ng ilang mga nagrereklamong mga netizens na ito na solo lamang nilang makita ang idolong si Songbird.

Matapos nito ay tila kumalma na si Regine dahil naging matagumpay naman ang kaniyang online show.

Narito ang ilan sa komento ng mga netizens:

"Hay naku mga walang magawa sa buhay nga naman oh… don’t mind them Ate Reg, kami naman ay napapasaya mo, nagpapasalamat nga kami sa inyo ni Kuya Ogs dahil napakabait n'yo at binibigyan ninyo kami ng oras para lang ma-entertain nang libre… God bless you both po."

"Nalungkot ako. Minsan na lang nga nangyayari 'to baka 'di na maulit dahil sa mga 'yon. Minsan lang ako makalibre ng concert ni RV… live na live ang boses eh."

Ogie, Regine auction off bag and toys to support artists amid pandemic – Manila  Bulletin
Ogie Alcasid at Regine Velasquez-Alcasid (Larawan mula sa Manila Bulletin)

"Hays bakit kayo ganyan! Kung ayaw n'yo wag manood. Mag-coco melon na lang kayo. Cool lang, Ms. Reg. Basagin natin trip nila! Pisti!"