Higit 50 percent sa target na bilang ng mga tourism workers ang nakatanggap na ng bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19) sa patuloy na vaccination rollout ng Department of Tourism (DOT) sa probinsya ng Cebu.

Ayon sa DOT, nasa kabuuang 7, 764 tourism frontliners na o halos 52 percent sa target na 15, 157 ang nabakunahan na mula Setyembre 22.

Sa bawat tourist area, 647 tourism workers na ang naturukan sa Mandaue o nasa 61 percent vaccination rate; 3,074 workers o 82 percent sa Lapu-lapu City; at 2,453 0 60 percent sa Cebu City.

Sa probinsya ng Cebu, 1,590 tourism workers na ang bakunado o 25 percent sa target nitong 6,405 workers.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Tourism Secretary Berna Romulo- Puyat, National Task Force (NTF) against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito G. Galvez Jr., and NTF Deputy Chief Implementer Secretary Vince Dizon naguna sa vaccination rollout para sa mga tourism workers sa Cebu nitong September 24, 2021. (Larawan mula Department of Tourism)

Samantala, nanawagan si Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyatpara sa mas malakas na ugnayan ng publiko at pribadong sector upang mabilis na maabot ang inaasam na immunity sa hanay ng mga tourism workers.

“Vaccinating our tourism frontliners is the first step in regaining what the industry has lost from the pandemic hence, protecting our stakeholders in the soonest time will help reverse these effects and recoup our tourism’s momentum,”sabi ni Puyat sa isang ceremonial vaccination sa Cebu nitong Biyernes, Setyembre 24.

“We need every help we can get to finally overcome this crisis as this really requires a whole-of-industry approach, involving not only the government but the private sector as well,”sabi niya.

Kabilang sa mga vaccine recipients ang mga manggagawa sa Bai Hotel, Catalina Car Rentals, Lighthouse Restaurant, Dusit Thani Mactan Cebu Resort, Casa Verde Restaurant, at Amethyst Boutique Hotel.

Samantala, mas mataas na accreditation mula sa DOT ang naitala sa mga tourism establisments sa Cebu nitong buwan ng Setyembre.

Mula Setyembre 15, nasa 16, 441 ang tourism employees ng mga DOT-accredited establishments sa Cebu Province, Cebu City, Lapu-lapu City at Mandaue City, mas mataas ito sa kabuuang 15, 233 noong 2020 at 12,892 noong 2019.

Sa pinakabagong resolusyon ng gobyerno, ang mga hotels at establisyemento na mayroong accreditation ng DOT lang ang papayagang tumanggap ng mga panauhin at kliyente sa ilalim ng ilang lehitimong dahilan sa ilalim ng state of public health emergency.

Alexandria Dennise San Juan