Nais ng Department of Science and Technology (DOST) na protektahan ang karapatan at kalayaan ng mga indibidwal na apektado ng mental illnesses sa tulong iba’t ibang sektor, kabilang ang mga eksperto sa neuroscience.

“By strengthening partnerships and collaborations among the healthcare sector, the government, the academe, the non-government organizations, and the citizenry, we are hoping to protect the rights and freedoms of persons affected by mental illnesses,”sabi ni DOST Secretary Fotunato de la Peña sa isang pahayag.

“With your help, our dear neuroscientists, educating the populace as well as boosting our capabilities to aid our people’s mental health will not only be wishful thinking,” dagdag nito.

Naglunsad ng isang webinar ang DOST’s Balik Scientist Program (BSP), Society for Pinoy Neuroscience Enthusiasts (SPiNE), at GradMAP Philippinesng isang webinar nitong Sabado, Setyembre 25 para pag-ugnayin ang mga eksperto sa ibang bansa sa mga oportunidad na meron sa Pilipinas.

National

Benhur Abalos, bumisita kina Ex-VP Leni sa Naga; nag-donate sa typhoon victims

Ayon kay DOST-Philippine Council for Health Research and DevelopmentPaul Ernest De Leon, ang mga potensyal na Balik Scientists ay maaaring magbahagi ng kanilang kakayahan sa mga neuroscience programs ng ahensya.

Dagdag ni De Leon, ang mga eksperto ay maaaring magbigay ng kontribusyon sa mga areas kabilang ang Information and Communication Technologies (ICT) kaugnay ng Health, Omics Technology for Health, Biomedical Engineering and Health Technologies, at Diagnostics and Mental Health.

Sinabi ni Dr. Jonel P. Saludes, isang Balik Scientist, na ang pagbabalik at paglilingkod sa bansa ay hindi kasama ng ginhawa na mayroon sila sa ibang bansa.

Dagdag nito, tungkulin ng Balik Scientists na gamitin ang kagalingan

Gayunpaman, tungkulin ng Balik Scientist na gamitin ang kakayahang nakuha sa ibang bansa sa pagbuo ng lokal na pagbabago, idinagdag niya.

Samantala, ang anim na beses na Balik Scientist Awardee na si Dr. Romulo De Castro Jr. ay humingi ng mga susunod na katuwang sa kanyang nagpapatuloy na mga proyekto sa pagsasaliksik sa biobanking, telehealth, at artificial intelligence.

Hinikayat naman ni DOST Undersecretary for Research and Development Rowena Cristina L. Guevara ang mga health experts na maging bahagi ng Balik Scientist Program.

“We hope we were able to inspire you, and just like Dr. Saludes and Dr. de Castro, you would consider coming home and becoming a Balik Scientist to be a part of our country’s Science, Technology and Innovation (STI) ecosystem,” sabi ni Guevara.

“We believe that in your hearts lie that innate sense of love of country, compelling you to share your ingenuity and give back to the Filipino people,” dagdag niya.

John Aldrin Casinas