Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Cebu City ang isang physician at kanyang anak na babae matapos umano’y ilegal na magpuslit ng mga hindi rehistradong gamot para sa COVID-19 treatment sa Pilipinas.

Sa isang pahayag, tinukoy ng NBI Officer-in-Charge (OIC) Director Eric B. Distor ang mga suspek na sina Dr. Nelson T. Ong at kanyang anak na si Raisa Nicole C. Ong, isang third-year medical student.

Ayon kay Distor, nasamsam sa mag-ama noong Setyembre 14 ang 10 pirasong Tocilizumab vials at 25 kahon ng Baricitinib tablets.

Sa mga inilabas na clinical trial reports, ang Tocilizumab isang “medicine found to be effective in reducing mortality rate of severe COVID-19,” habang ang Baricitinib ay nagpapabilis sa paggaling ng mga taong naospital dahil sa COVID-19.

VP Sara, FPRRD, pinilahan umano ng 40,000 katao sa kanilang Pamasko sa Davao City

Ayon sa NBI, ang mga gamot ay nasa isang kahon at lumabas na ipinuslit ito mula sa bansang India. Walang local importer o distributor at walang Food and Drug Administration (FDA)-approved labeling and prints ang nasabing mga kahon.

Sa pahayag ng direktor, Setyembre 14 nang makatanggap ang NBI-Central Visayas Regional Office (NBI-CEVRO) sa Cebu ng impormasyon ukol sa shipment na anvg laman ay unregistered at illegally imported Tocilizumab vials na inilagay sa isang cold storage box lulan ng Philippine Airline (PAL) mula Manila patungong Cebu.

Lumabas na nagngangalang Raisa Ong ang consignee ng shipment na nauna nang binabantayan ng NBI matapos mapag-alamang aktibong distributor ito ng Tocilizumab at iba pang COVID-19 related medicines sa Cebu City.

Agad na nagtungo ang operatiba ng NBI-CEVRO sa PAL Cargo arrival area sa airport ng Lapu-lapu city upang ma-verify ang impormasyon.

Nang maispatan ang cargo, hiniling ng NBI na ihiwalay ito hanggang makarating ang consignee.

“A Chinese looking female, later identified as Raisa Ong, showed up to claim the package. Subject Raisa Ong was accompanied by Subject Nelson Ong while processing the release of the subject package. Upon withdrawal of the package, Subjects Raisa Ong and Nelson Ong proceeded to their vehicle,” pahayag ng NBI.

“At this juncture, NBI-CEVRO operatives immediately approached Subjects. The operatives requested the Subjects to open the cold storage box and they agreed. Subject Raisa Ong opened the box and found therein ten (10) pieces of Tocilizumab vials and 25 boxes of Baricitinib, also a medicine for COVID-19, tablets all placed in carton packaging which appeared to be imported from India but no local importer or distributor and without the FDA approved labelling and prints,” pagbabahagi ng NBI.

Walang naipakitang dokumento o lisensya para mag-import, mag-distribute o magbenta ng mga naturang gamot ang mag-ama dahilan para sila’y maaresto ng NBI.

Kalauna’y nakakuha ng certification mula sa FDA ang NBI na nagpapatunay na walang awtoridad o permit ang ibinigay sa mga suspek.

Dagdag ng FDA, hindi rehistrado at ilegal na ipinuslit sa bansa ang mga nasamsam na gamot.

Noong Setyembre 17, sinabi ng NBI: “the Subjects were presented for Inquest proceedings before the Lapu-lapu City Prosecutor’s Office for violation of Republic Act No. 3720 as amended by RA 9711, otherwise known as the ‘Food and Drug Administration Act of 2009’ in relation to R.A. 10863, the Custom’s Modernization Act.”

Arestado rin ng NBI si Cherry R. Jalaron noong Setyembre 13 matapos umanong magbenta ng overpriced na gamot laban sa COVID-19 sa parehong lungsod. Ginawa ang pag-aresto matapos magbenta ang suspek ng isang vial ng Tocilizumab sa halagang P97,000 sa nagpanggap na buyer mula sa NBI .