Siniguro ng Department of Health (DOH) na lahat ng ipinamamahaging face shields sa mga healthcare workers ay nasa maayos na kondisyon.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sumasailalim sa inspeksyon ang lahat ng mga kagamitang medikal na ipinamamahagi sa mga health facilities.

Ito ang pahayag ng opisyal kaugnay ng imbestigasyon sa Senado ukol sa “substandard” face shields na umano’y suplay ng Pharmally Pharmaceutical Corporation sa DOH.

“As far as DOH is concerned, whatever we were able to deliver to all of our healthcare workers ay maayos po,” sabi ni Vergeire nitong Sabado, Setyembre 25.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“Hindi po kami tumatanggap talaga ng may mga sira o di kaya ay may mga ganyang klaseng discoloration o nasira na yung foam. Hindi po namin yan tinatanggap. We do inspections also,” dagdag ng opisyal.

Paliwanag ng DOH spokesperson, ilang “medical commodities” kagaya ng face shields na ginagamit ng mga healthcare worlers ay mayroon ding “shelf life” o nasisira rin ang ilang components kalaunan.

“Itong mga face shields na binibili namin, this is not for the community. This is medical grade and is used by our medical workers,”sabi ni Vergeire.

“Kailangan syempre kumpleto at saka maayos ang maibigay natin sa kanila na mga gamit para sila ay protektado sa sakit. So kailangan lang natin i-validate talaga if these deliveries ay talagang nagkaroon ng kakulangan,” dagdag niya.

Tugon ng opisyal, hihintayin ng DOH ang resulta ng ginagawang imbestigasyon.

“Well iniimbestigahan na iyan, we just leave it to our legislators at hintayin po natin ang resulta na lalabas sa imbestigasyon,” ani Vergeire.

Analou de Vera