Isasama na rin ng Department of Health (DOH) sa daily tally ng coronavirus disease (COVID-19) ang mga positibong resulta sa rapid antigen tests simula susunod na linggo.

“Unti-unti na po nating ipapasok itong mga positive result ng antigen test after we validate ito pong mga nairerereport sa atin,” sabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire nitong Sabado, Setyembre 25.

“So simula next week, unti-unti na nating ipapasok yan at magkakaroon naman tayo ng qualifier kung ilang ang RT-PCR, ilan ang antigen test doon sa mga kasong irereport natin sa ating public,” idinagdag niya.

Sabi ni Vergeire, makikipag-ugnayan na sila sa iba’t ibang sangay ng gobyerno sa pagtatala ng mga positibong resulta sa antigen tests.

National

Int'l lawyers group, nanawagan ng ‘absolute pardon’ para kay Mary Jane Veloso

“Kami ay nakipag coordinate na with the MMDA [Metro Manila Development Authority] and the National Task Force [against COVID-19] para matulungan tayo na mobilize natin…so we can have this registration process for clinics or local governments na gumagamit,” sabi ng opisyal.

“May specific na tayo na reporting system for that na ibabahagi sa kanila so we can make this official at maging mandato ng bawat gumagamit ng antigen na maireport ito sa ating gobyerno,” dagdag niya.

Analou de Vera