Muling dadalo ang pride ng Pilipinas at tinaguriang 'The Broadway Diva' na si Lea Salonga sa 74th Tony Awards na magaganap sa Setyembre 26, US time, hindi bilang awardee o performer, kundi presenter ng parangal.

Image
Larawan mula sa Twitter/The Tony Awards

Masayang ibinahagi ni Lea sa tweet ang kumpirmasyon ng pag-anyaya sa kaniya bilang presenter sa prestihiyosong Tony Awards, kung saan, nanalo siya bilang Best Actress sa breakout role niya na 'Kim' para sa 'Miss Saigon.'

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

"It's really happening!!!" tweet ni Lea, kalakip ang Twitter post ng Tony Awards. Isa rin sa mga magiging presenter ang international singer na si John Legend.

"The stars! The glamour! The performances! Even more names plus top musical moments are announced for Sunday's #TonyAwards. See it all LIVE on @paramountplus and @CBS @johnlegend @MsLeaSalonga," ayon sa tweet naman ng Tony Awards.

Larawan mula sa Twitter/Lea Salonga/The Tony Awards

"The cat's out of the bag! I'll be presenting at @TheTonyAward on Sunday!!!" saad pa niya sa isang tweet.

Ito na ang pang-apat na beses ni Lea na makadalo sa naturang awarding ceremony. Ang latest ay ang performance niya kasama ang mga co-stars sa musical na 'Once On This Island' noong 2018.

Bukod kay Lea at John, ang ilang mga international celebrities na magiging bahagi ng programa ay sina Jake Gyllenhaal, Jordan Fisher, Stephanie J. Block, Lindsay Mendez, at Jasmine Cephas Jones.

Gaganapin ang 4th Tony Awards sa Winter Garden Theatre in New York.