Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa mga pribadong sektor na bumibili ng bakuna upang gamitin bilang booster shots.

Paliwanag ni FDADirector-General Eric Domingo sa isang pagpupulong nitongBiyernes, bawal pa rin ang booster shots sa bansa dahil na rin sa kakulangan pa ng suplay ng bakuna.

Reaksyon ito ni Domingo sa naiulat na karamihan sa pribadong kumpanya at ospital ay bumili ng COVID-19 vaccine upang gawing booster doses.

“Nakakapagod nga po, every now and then, may ospital or private company kaming maririnig na nago-offer ng ganyan. Pumupunta pa ang Enforcement Unit para ipaalala sa kanila [na] hindi ninyo pwedeng ibenta yan at hindi kayo pwedeng magbakuna na wala sa guidelines ng DOH [Department of Health],” katwiran ni Domingo.

National

PBBM, balik-trabaho na? 2025 Nat'l Budget, muling pinag-aaralan

“Hindi po pu-pwede [tumanggap ng booster na ino-offer ng private sector] just to be very, very clear and categorical about it," pagbibigay-diin ni Domingo.

Paliwanag niya, mayroon lamang emergency use authorization (EUA) angmga bakuna sa bansa na nangangahulugang hindi ito dapat ibenta.

“Ang maaari lang bumili nito [bakuna] ay ang gobyerno. Nakalagay po yun sa EUA naini-issueko sa bawat kumpanya)," ayon sa kanya.

Ellalyn De Vera-Ruiz