Pinatunayan ni Kapuso sweetheart Barbie Forteza na pagdating sa mga transaksyong panggobyerno ay walang arti-artista, gaya na lamang sa pagtitiis at pagtitiyaga sa mahabang pila para lamang makapagparehistro bilang mamamayang botante.

Ibinahagi ni Barbie sa kaniyang Instagram post nitong Setyembre 24 ang pagtitiyaga niya sa pila. Aniya, 4:00 AM pa lamang ay nasa pila na siya. Hinikayat niya ang mga taong nasa legal na edad na magparehistro na rin.

Tsika at Intriga

Cat Arambulo trending sa X dahil sa baha, insensitive nga ba?

"Nagsimulang pumila ng 4AM at ngayon ay REHISTRADO NA AKO!!! Kayo rin! Pwede pa pong humabol sa pagpaparehistro para makaboto! #PHElections2022 #RegisteredVoter," ayon sa caption ng kaniyang IG post.