BAGUIO CITY - Hinarang ng mga awtoridad ang 833 na biyahero matapos ipagbawal ng lungsod at ng lima pang lugar sa Benguet ang non-essential travel upang mapigilan ang paglaganap pa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lalawigan.

Sa pahayag ng Baguio City Police, walang maipakitang sapat na dokumento ang 833 na biyahero kaya pinabalik nila ang mga ito kanilang point of origin.

Ang nabanggit na hakbang ay alinsunod na rin sa kautusan ni City Mayor Benjamin Magalong bunsod ng pagtaas ng kaso ng Delta COVID-19 variant sa lugar.

Ipinaliwanag naman ng pulisya, kahit fully vaccinated na ang isang residente ng lungsod na nanggaling sa isang lugar, dadaan muna ito sa triage upang suriin ang dokumento nito. Obligado namang isailalim sa Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test ang hindi pa bakunado o first dose pa lamang.

National

PBBM, balik-trabaho na? 2025 Nat'l Budget, muling pinag-aaralan

Bukod sa lungsod, bawal din ang non-essential na biyahe saBaguio City-La Trinidad-Itogon-Sablan-Tuba-Tublay (BLISTT).

Ang mga residente na bumibiyahe sa BLISTT ay obligadongmagpakita ng dokumento na nagpapatunay na siya ay authorized persons outside residence (APORs) na may essential reasons, ayon sa pulisya.

Nanawagan din ang anim na alkalde ng anim na lugar naiwasan muna ang magbiyahe kung hindi essentials ang kanilang pupuntahan upang maiwasan ang hawaan ng sakit.

Ipinatutupad ang nasabing paghihigpit simula Setyembre 23 hanggang Oktubre 3 ng taon, ayon sa isang kautusan na pirmado ng anim na alkalde.

Zaldy Comanda