CAMP MELCHOR F. DELA CRUZ, Upi, Gamu, Isabela - Labing-dalawang opisyal at miyembro ng Communist New People's Army (NPA) Terrorists (CNTs) ang napatay ng militar matapos bombahin ang kanilang kuta sa Sta. Teresita, Cagayan, kamakailan.

Sa naantalang report ng 501st Infantry Brigade ng Philippine Army (PA), kabilang sa mga napatay ang tatlong opisyal ng Squad Tres ng East Front Committee-Henry Abraham Command. Gayunman, hindi na jsinapubliko ang pagkakakilanlan ng mga ito.

Dead on the spot ang mga ito nang bagsakan ng bomba ang kanilang kuta na nagsisilbi ring pagawaan ng Anti-Personnel Mines (APMs) sa mabundok na bahagi ng Brgy. Dungeg, nitong Setyembre 21.

Nasamsam sa lugar ang tatlong high-powered firearms, katulad ng dalawang 5.56 M16 rifles at isang 5.56 Bushmaster, pitong anti-personnel mines, isang granada, pitong bala ng M79 grenade launcher, mga subersibong dokumento, at iba pang personal na gamit.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Liezle Basa Iñigo