Iginiit ni vaccine czar at National Task Force Against (NTF) COVID-19 chief implementer Carlito Galvez na dapat nang bakunahan ang mga batang 12-17 taong gulang sa susunod na buwan.

Inihayag ni Galvez na ipinasya nilang isulong ang hakbang matapos umabot sa maximum level ang suplay ng bakuna sa bansa.

Nagdadalawang-isip din aniya ang mga magulang na papasukin sa face-to-face classes ang mga anak nila dahil hindi pa bakunado

“We are now planning for the inoculation of other sectors kasi nakita natin na nagkakaroon na ng saturation point ang Metro Manila and other cities. At the same time, we cannot vaccinate the 29 million population of children in one month or two months. Kailangan magsimula na tayo by October,” paliwanag ni Galvez matapos na salubungin sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang pagdating ng 728,910 doses ng Pfizer vaccine nitong Huwebes ng gabi.

National

Dela Rosa at Marcoleta, binisita si OVP Chief of Staff Zuleika Lopez sa ospital

“I believe we are ready,” dugtong nito.

Nitong Hunyo, inaprubahan ngFood and Drug Administration (FDA) ang emergency use ng Pfizer COVID-19 vaccine para sa 12-15 taong gulang. Kamakailan, aprubado na rin ang emergency use ng Moderna para naman sa 12-17 taong gulang.

Minamadali na rin aniya ang pagpapalabas ngemergency use authorization (EUA) ng Sinovac-CoronaVac jab para sa mga menor de edad.

“Maybe we will be accelerating Sinovac for thethree years old and above.We can only protect the children by having them also being vaccinated,” aniya.

“They [parents] also do not feel protected kung ang kanilang mga anak ay hindi protected so nandoon ‘yong agam agam at emotional stress na hindi nila pwede pakawalan ang mga anak sa schooling,” anang opisyal.

Binanggit niya na kung mabibigong makabalik sa paaralan ang mga bata sa panahon kung saan madali silang matuto, maaari aniyang magkaroon ng "permanenteng kapansanan" ang mga ito sa kalusugan ng pag-iisip at educational development.

Martin Sadongdong