Hindi na lamang pinatulan ni Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach ang isang basher na walang habas at walang pakundangang nang-okray at nanlait sa kaniya, sa comment section ng isa sa mga Instagram posts niya; na kesyo laos na umano at walang ganap sa kaniyang showbiz career.
Bagama't hindi aktibo sa TV o paggawa ng movie, panay naman ang post ni Pia ng kaniyang mga larawan sa social media. Bagay na siyang binanatan ng basher.
“Walang ibang career si girl kundi magpa pictorial. Mag-vlog about pageant pa din! Move on gurl sa mga pageant na 'yan!," pambabarag ng basher.
“We are expecting big events in ur career and in your life!!! MOVIES waley??? TV SHows waleyyy din??!”
“One day gigising nalaos ka na lang wala ka man lang ginawa!” sabi pa nito gamit ang mga hashtags na #pictorialqueen at #puropictorialwalangganap. Nagbigay pa siya ng unsolicited advice na magpalit na lang siya ng talent manager upang umalagwa naman ang showbiz career.
Naikumpara pa siya sa ibang mga beauty queens na aktibo ngayon sa showbiz, kagaya ni Kylie Versoza na jowa ni Jake Cuenca.
Hindi naman nawala ang poise ng pagiging Miss Universe ni Queen P kaya sinagot niya ito nang mahinahon, maayos at may diplomasya.
"Ayoko na sana mag-reply sa mga fake accounts but just so you guys know im very happy for my friends who are doing so well in showbiz! Totoo 'yan!" giit ni Pia.
“But for me it's not a personal goal anymore! I'm so happy and grateful for the blessings I have now (heart emoji). I found the perfect balance of doing what I love and being happy in it."
“I’ve been in charge of my own career and managing it myself for a while now and I'm very happy in the direction that I'm going. Lahat ng work na ginagawa ko yung gusto ko talaga at naeenjoy ko pa personal life ko, masaya lang (smiling face emoji). Kaya wag ka nang magalit.”
Kaya naman apela ni Queen P, tigilan na ang kumparahan sa mga beauty queens at kababaihan, sa kabuuan.
“Tsaka tama na tong comparing and pitting women against each other. 2021 na at may pandemic na tapos stuck pa rin tayo sa ganitong mindset? Tama na (peace emoji) di nakakaganda,” mensahe pa ni Pia Wurtzbach.