Hindi nababahala ang opposition coalition na 1Sambayan sa posibilidad na pagtakbo ni dating Senador Ferdinand "Bongbong" Marcos bilang pangulo sa 2022 national elections.

Iginiit ng grupo, si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang dapat na ikabahala.

Ginawa ni 1Sambayan convenor Retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio ang pahayag matapos ang nominasyon ni Marcos bilang kandidato sa pagka-pangulo sa susunod na halalan.

Sa isang online forum, sinabi ni Carpio na hindi nakagugulat na ang anak ng yumaong diktador ay maaaring makipagtambal kay Davao City Mayor, kahit na idineklara na niya na hindi siya tatakbo para sa national post.

National

Romina, napanatili ang lakas habang kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

“It’s not a surprise that the KBL has nominated Bongbong because he has always said that he is running for national office,” aniya.

“It’s still possible that it will be a team-up with Sara Duterte and Bongbong in the end because that will be the strongest time,” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Carpio, si Duterte-Carpio ang strongest bet ng administrasyon para sa 2022 elections. Kahit na sinabi nito na hindi ito tatakbo, maaari pa rin magbago ang kanyang isip.

“It’s Sara Duterte who’s leading so she appears to be the strongest admin bet at this time,” ani Carpio.

“If the father (President Duterte) withdraws [his candidacy for vice president], then that impediment will be gone and logically she can run again,” dagdag pa niya.

Kaugnay nito, hindi pa nag-aanunsyo ang 1Samabayan tungkol sa kandidato nito sa pagka-presidente at bise presidente, at maging ang senatorial slate nito.

Argyll Cyrus Geducos