Sadyang marami na nga ang nagbago sa paraan ng pamumuhay at kalakaran dahil sa epekto ng pandemya. Isa na rito ang paraan ng pagtuturo at pagkatuto. Kung dati ay nagkakaharap-harap ang mga guro at mag-aaral, ngayon ay sa online na lamang nagagawang magkumustahan, magsagawa ng talakayan, makapagbigay ng mga panuto at tagubilin, at magpaalala at 'maghabol' sa mga mag-aaral na hindi nakapagpapasa ng requirements nila sa kanilang asignatura.
Kamakailan lamang ay naging viral ang Facebook post ng gurong si Ma'am Fritzie Aileen Aratan-Puray, 48 taong gulang, mula sa Gingoog City, Misamis Oriental, dahil sa nakatutuwa niyang mga litrato habang patagilid na nagche-check ng gawaing ipinasa sa kaniya ng isa sa mga mag-aaral niya. May paalala tuloy siya sa mga mag-aaral hinggil sa pagpapasa ng requirements online.
"Dearest students… I am begging you to please don't submit your output with wrong orientation because this might break my neck. Lovingly yours, Your teacher," saad sa caption ng kaniyang post, na agad na naging viral.
Nakatutuwa man, isa ito sa mga bagay na dapat ikonsidera ng mga mag-aaral kapag magpapasa sila ng kanilang mga requirements online. Mahalaga pa rin na maging maayos at organisado ito at hindi basta lamang ipinasa, masabi lamang na nakapag-comply, ayon kay Ma'am Fritz.
Dahil nga online ang pagpapasa ng mga mag-aaral, tinitiyak umano niya na maayos niyang naibibigay ang mga panuto at tagubilin sa mga mag-aaral; gumagawa pa umano siya ng tutorial videos upang mas maunawaan siya.
"Every time a task or tasks is/are given to them, normally, instructions are given first. After a while clarifications are raised, hence the instructions will be given again both in English & Cebuano. Unfortunately, there will always be a few of them who still can't follow, to the extent that I make tutorial videos posted in our respective FB groups," saad ni Ma'am Fritz sa panayam ng Balita Online.
Nalulungkot umano siya na kahit ginawa na niya ang lahat, mali-mali pa rin ang ginagawa ng ilang mga mag-aaral, na para bang wala siyang ginawa o hindi siya naintindihan, lalo na sa pagpapasa ng mga requirements.
"However, despite the so-called 'tutorial videos,' there are still those who can’t follow which resorted me, in making a video informing them of what went wrong with their submission of output and ended up giving them the instructions again."
Kaya naman, panawagan niya sa mga mag-aaral na makipag-cooperate sa mga guro nila, lalo't marami sa kanila ang hirap pa rin sa paggamit ng mga makabagong gadgets. Laging pakaisipin na may gurong magbabasa, magtataya, at magpupuntos sa kanilang mga ipinapasa, kaya huwag sana silang pahirapan.
May mensahe naman si Ma'am Fritz sa lahat ng mga kapwa gurong 'relate-much' sa mga ganitong hamon o 'struggles' pagdating sa pagche-check ng mga online student requirements, lalo na ang mga medyo nahihirapang makasabay.
"It is a fact that many of us - teachers, have been to different difficulties with the present scenario of education that we are in now, consequently vast changes & adjustments have to be made. And this scenario also happened to many students. Thus, patience & leniency, I think, are what we (teachers) direly need, for us to in a way cater what the students need," aniya.
"Not all students have access to the internet, more so in manipulating the MS Office, hence we need to continuously stretch our patience for them. And most importantly, amidst the havoc of these changes, let us find time to chill and unwind, to at least lessen the stress. Do things that you love to do."
Si Ma'am Fritz ay kasalukuyang nagtuturo ng 'Oral Communication in Context' sa Senior High School (Grade 11) sa Gingoog City Comprehensive National High School, sa Misamis Oriental. Siya ay nagtapos ng Bachelor of Secondary Education major in English at may 25 units sa Master of Arts in Education (MaEd) sa nasabi ring majorship.