Binabantayan ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isa pang bagyo na posibleng pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) sa Linggo, Setyembre 26 o sa Lunes, Setyembre 27.
Sa abiso ng PAGASA, ang nabanggit na sama ng panahon na may international name na "Mindulle" ay huling namataan sa layong 1,905 kilometro Silangan ng Southern Luzon.
Kapag tuluyang pumasok sa Pilipinas, tatawagin itong "Lannie."
Taglay ng bagyo ang hanging 95 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at bugso na hanggang 115 kilometro kada oras habang kumikilos pa-Kanluran-Hilagang Kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
“Highly favorable conditions will allow the tropical cyclone to rapidly intensify within the forecast period. It may be upgraded to typhoon category within 24 hours and may reach a peak intensity of around 205 kilometer per hour by Monday,” abiso pa ng PAGASA.
Ellalyn De Vera-Ruiz