Asahan pa ang pagdating sa Pilipinas ng mahigit sa 1.7 milyong doses ng U.S.-made Pfizer vaccine ngayong Biyernes, Setyembre 24.

Ito ang pahayag ni vaccine czar Carlito Galvez, Jr. matapos dumating sa bansa ang 940,680 doses ng nabanggit na bakuna nitong Miyerkules ng gabi.

Ipamamahagi aniya ang nasabing bakuna sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas na mataas ang kaso ng coronavirus disease 2019.

Dinala naman sa cold-chain facility ng Pharmaserv Express sa Marikina City ang 811,980 doses ng Pfizer vaccine na bahagi ng duamting na bakuna habang ang habang ang natitira pang 128,700 doses nito ay ipinadala naman sa Cebu.

National

PBBM, balik-trabaho na? 2025 Nat'l Budget, muling pinag-aaralan

Dahil dito, inaasahan ng opisyal na mapaiigting pa ng gobyerno ang programa nito sa pagbabakuna.

Ariel Fernandez