Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na makakarma rin ang mga senador na nagsasagawa ng imbestigasyon sa umano'y korapsyon sa bilyun-bilyong transaksyon ng Pharmally Pharmaceutical Corporation sa gobyerno na may kaugnayan sa pagbili ng umano'y overprice na medical supplies na panlaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ay dahil aniya sa paraan ng pagtrato ng mga ito sa mga resource person o naimbitahan sa isinasagawang marathon investigation sa Senado kaugnay ng usapin.

“Kayong mga nakikinig na Pilipino ngayon na dumaan lahat sa Senado, you remember the — the way you were treated. And when you vote, isipin niyong mabuti kung paano kayo— how you were maltreated and dishonored,” hirit ng Pangulo.

Pinuna ni Duterte ang patuloy na pagdinig ngSenate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senator Richard Gordon at sinabing isa lamang itong "fishing expedition."

National

PBBM, balik-trabaho na? 2025 Nat'l Budget, muling pinag-aaralan

Wala rin aniyang nakikitang korapsyon ang mga senador kahit pa isinalang na nila sa imbestigasyon ang mga opisyal ng Pharmally.

“If you continue to fish, how long would [you] continue to wallow in the water? How long would you catch the fish that I — it’s in your imagination? But to detain a per — someone because you are not getting answers you want to hear is pure oppression. Talagang totoo. Dadating din araw mo, makakarma rin kayo tingnan ninyo. Makakarma rin kayo, sigurado ‘yan," paliwanag ng Pangulo.

Tinukoy ni Duterte ang kapangyarihan ng Senado na i-contempt at ikulong ang isang tao kapag hindi sila nagsasabi ng totoo o kapag hindi nakukuntento ang mga senador sa kanilang kasagutan.

“You — you are officials empowered freedoms from arrest, hindi ma-demanda. Sino — so anong gusto ninyo? Kung ang tao walang choice, hindi kayo ma-demanda, mura nang mura kayo, inaabuso ninyo ang Constitution, eh ‘di talagang may gusto kayong mangyari,” puna pa ni Duterte sa mga senador.

Ellson Quismorio