Pinabalik ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III sa kanyang mother unit ang field officer nito sa Quezon City na mangangasiwa sana sa implementasyon ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged and Displaced Workers (TUPAD) program sa lungsod.
Ito ay matapos mabisto na nagkakaroon umano ng irregularidad ang pagpapatupad ng programa.
Partikular na tinukoy ni Bello si Joel Petaca, ng DOLE-National Capital Region Office, na pinababalik sa kanyang mother unit upang magpaliwanag sa kontrobersya/
“I want to know why he allowed such problems to happen in the delivery of TUPAD in Quezon City. He was supposed to monitor the program of our department. Was he negligent?” paliwanag ni Bello.
Iniimbestigahan na rin ngNational Bureau of Investigation (NBI) ang usapin matapos magreklamo ang mga benepisyaryo na kulang ang natanggap nilang bayad ng kanilang pagtatatrabahosa cash-for-work program ng DOLE.