Walang naitalang nasawi sa coronavirus disease (COVID-19) ang Department of Health (DOH) nitong Biyernes, Setymebre 24.
Paliwanag ng ahensya, dahil ito sa technical issue sa COVID-19 data system. Nakapagtala na rin ng zero deaths ang Pilipinas noong Hulyo 23
“The Department of Information and Communications Technology is currently addressing issues encountered by the system,”sabi ng DOH.
Dahil ditto, nananatiling 37, 405 ang fatality record ng bansa.
Samantala, ang kabuuang kaso sa bansa ay tumabo na sa 2,453,328 kung saan 7.1 percent dito o 175,324 ay aktibo matapos makapagtala ng 18, 659 bagong kaso nitong Biyernes.
Walumpu’t walong porsyentong tinamaan ng virus ang may mild symptoms, 6.9 percent naman ang symptomatic, 0.7 percent ang kritikal, 1.5 percent ang severe at 2.84 ang nasa moderate condition.
Samantala nasa 9,088 na pasyente naman ang nakarekober nitong Biyernes; dinala nito sa kabuuang 2,240,599 o 91.3 percent ang gumaling sa mga kaso ng COVID-19 ng bansa.
“Pinapaalala po namin na magaprehistro at agad na magpabakuna kapag oras niyo na,” sabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
“Kahit po tayo ay bakunado na, huwag po natin kakalimutan sumunod sa minimum public health standards upang patuloy nating mapaigting ang ating proteksyon para sa ating sarili,” dagdag niya.
Analou De Vera