Bukas ang Commission on Election (Comelec) sa pagpapalawig ng voter registration period ng isang linggo ngunit pagkatapos ng filing ng certificate of candidacy (COC) simula Oktubre 1 hanggang 8.

Sa halip na isang buwan na palugit na pinipilit ng mga mambabatas, iminungkahi ni Commissioner Marlon Casquejo na handa silang magbigay ng isang linggong pagpapalawig pagkatapos ng filing ng COC para sa May 2022 national elections.

“The en banc has already ruled twice not to extend the registration. If that bill would be passed as a law then we will comply. But then again, our proposal is to give a one-week extension after the filing of the COC,” ani Casquejo sa Joint Congressional Oversight Committee on the Automated Election System (AES).

Ginawa ni Casquejo ang kasiguraduhan matapos aprubahan ng Senado ang ikalawang pagbasa ng Senate Bill No. 2408 na humihiling sa Comelec na palawigin ang voter registration "simula Setyembre 31 hanggang bago ang Enero 9, 2022" para sa konsiderasyon ng physical restrictions na dulot ng COVID-19 pandemic.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

“We will look into it now. But up until now, what we have agreed—it’s not yet open to the en banc—but what we have agreed is one week,” ani Casquejo.

Isa sa 23 na senador si Senador Imee Marcos ang naghain ng Senate bill, aniya hindi niya maintindihan kung bakit pinili ng poll body ang maikling deadline.

“Previously, the deadline is really during October. Why shorten it at a time there is COVID and there are many lockdowns?” ani Marcos.

Ngunit ayon kay Casquejo, kailangan manatili ng Comelec sa maagang deadline upang makapaghanda ito sa gitna ng pandemya.

Aniya pa, maaapektuhan ang preparasyon ng poll body kung i-aadjust ang kanilang iskedyul.

Hannah Torregoza