Pinayagan na ng Philippine Sports Commission (PSC) ang idaraos na training bubble ng Philippine Track and Field Association (PATAFA) bilang preparasyon sa mga nakatakdang malalaking international tournaments sa 2022.
Handa na ang lahat para sa idaraos na training bubble na gaganapin sa Baguio Athletic Bowl sa Baguio City simula sa susunod na buwan, ayon kay PATAFA president Philip Ella Juico.
At dahil sa kasalukuyang sitwasyon, kailangan din ng PATAFA na makakuha ng permiso mula sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) at ng clearance mula sa local government ng Baguio upang masimulan ang training bubble.
“The proposal was approved the other day by the PSC board so we have to organize it very quickly. Hopefully, we could start in the first week of October at the latest,” wika ni Juico.
“First, get the PSC to work with us to get the IATF approval of the protocol with Dr. (Randy) Molo on top of it. Then later on, we will have to secure an approval from the City of Baguio for their LGU approval of the protocol.”
Limampunglocallly-based athletes na kinabibilangan ng mga medalists sa nakaraang 30th Southeast Asian (SEA) Games, kasama ang 10 national coaches ang inaasahang lalahok sa Baguio bubble, ayon kay Juico.
Mananatili naman sa kani-kanilang lugar sa U.S. ang mga Filipino-American athletes, katulad nina Eric Cray, Natalie Uy at Kristina Knott habang ang Asian record-holder na si EJ Obiena ay patuloy na mag-eensayo sa Formia, Italy.
“The medalists from the last SEA Games will have to be there. So athletes that are playing in throwing, decathlon, marathon and hurdles will have to join,” ayon pa kay Juico.
“Everybody should be there except the Filipino-Americans because they are training in their respective areas," ayon pa sa kanya.
Marivic Awitan