Inanunsyo ng sikat na vlogger na si Benedict Cua na time out na muna siya sa vlogging dahil pakiramdam daw niya ay hindi na niya kilala ang sarili niya, at dito na lamang umiikot ang buhay niya.
Sa kaniyang latest vlog na 'Goodbye, Philippines,' nag-iwan siya ng mensahe sa kaniyang mga subscribers na pinagkakautangan umano niya ng loob kung bakit niya nakamit dahil sa vlogging; pero syempre, tao rin umano siya, at sa palagay niya ay kailangan niya munang magpahinga upang muling paghilumin ang sarili.
Sa mundo kasi ng vlogging, parang bawal siyang magkamali, gawin ang mga gusto niyang gawin, at puwersado siyang gumawa at mag-isip ng content para sa kaniyang mga giliw na subscribers.
"I decided to stop working for a while. I know it sounds so entitled but I feel like at this point in my life, I am experiencing an existential crisis where suddenly, back to zero," pag-amin niya.
"I always have that urge na parang kailangan kong i-please lahat ng mga tao, I always have to be my perfect self. A lot of times, parang wala na 'kong time maging vulnerable," giit pa niya.
"Parang 'yung buhay ko, naging vlog na, naging filming. This job is really not for everyone. At this point, I don't even think it's for me."
"There's no vacation anymore like whenever you're outside, whenever you're hanging out with your family, you always feel obligated to film everything 'cause when you don't, you feel anxious."
"It doesn't mean that you're irresponsible. You're trying to regain yourself so you can be better," saad pa niya.
Sa kaniyang Instagram post, makikitang nasa beach si Benedict at nangako siya na muli siyang babalik na 'malakas.'
"I promise I’ll come back stronger," saad sa caption.
Si Benedict ay may 2M subscribers sa YouTube, 605,000 followers sa Instagram, at 3M followers sa TikTok.