Iniutos na ng Southeast Asian Games (SEA Games) Federation sa Vietnam na magdesisyon na sa susunod na buwan kung itutuloy nito o ikakansela angika-31 edisyon ng biennial regional games sa Nobyembre 21.

Ito ang ibinalita ni Philippine Olympic Committee President at Cavite 8th district Rep. Bambol Tolentino matapos ang naging virtual meeting ng pederasyon nitong Setyembre 17.

"The consensus was for Vietnam to make a decision, otherwise, the 31st SEA Games would be canceled," aniya.

Kung desidido pa rin ang Vietnam na ituloy ang 31st SEA Games, nagkasundo na ang SEAG Federation na idaos ang kompetisyon sa Mayo 2022.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ibinatay ng mga Southeast Asian sports leaders ang petsa sa siksik na sports calendar sa Asya sa susunod na taon na kinabibilangan ng pagdaraos ng Beijing Winter Olympics sa Pebrero 4-20, ang Thailand Asian Indoor and Martial Arts Games sa Marso 10-30 at Hangzhou Asian Games sa Setyembre 10-25.

Ang 31st SEA Games ay dating itinakda sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2 ngayong taon. 

Marivic Awitan