Sa kabila ng mga personalidad na nag-aanunsyo ng kanilang kandidatura, sinabi ng opposition coalition 1Sambayan na patuloy pa rin silang nakikipag-usap sa apat na tao at umaasa na magkaisa sila kontra sa administrasyon sa 2022 elections.

Ayon kay 1Sambayan convenor Retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio, ang mga personalidad ay nagsimula nang sabihin ang kanilang intensyong tumakbo bilang presidente sa susunod na halalan.

Sa ngayon, sina Senador Ping Lacson, Senador Manny Pacquiao at Manila Mayor Isko Moreno pa lamang ang nagsabing sila ay tatakbo bilang presidente.

Sa isang online forum, itinanggi ni Carpio na nabigo ang unity talks ng 1Sambayan, aniya nagpapatuloy pa ang mga unity talks.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“The unity talks will continue because, as you know, even after you have filed your certificate of candidacy (COC), you can withdraw, you can slide down,” aniya.

“It will continue. Nothing is fixed in stone,” dagdag pa nito.

Ayon kay Carpio, patuloy silang nakikipag-usap kay Vice President Leni Robredo at dating Senador Antonio Trillanes IV, at maging kina Moreno at Pacquiao kahit na inanunsyo na nila ang kanilang kandidatura.

Sinabi naman ni 1Sambayan convenor lawyer Howard Calleja na marami pa ang pwedeng mangyari bago ang simula ng paghahain ng COCs sa susunod na linggo.

“Between the announcement and the filing, marami pang pwedeng mangyari," aniya.

“Hindi pa naman tapos ang usapin ng unity. Tuloy-tuloy pa rin po ang usapin na magkaisa ang mga kandidato," dagdag pa niya.

Argyll Cyrus Geducos