Labindalawang madre sa Carmelite Monastery sa Tanay, Rizal ang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19).
“We are 18 sisters in the monastery and 12 sisters tested positive of COVID,” bahagi ng pahayag ng Carmelite sisters.
“At present, we can be considered as mild cases and symptomatic,” dagdag nito.
Ayon sa Carmelite sisters, lahat sila ay bakunado na laban sa virus maliban sa isang kasalukuyang sumasailalim sa oral chemotherapy.
Patuloy silang magdarasal para sa lahat ng mga tinamaan ng COVID-19.
“To all of you, especially all those who are asking our prayers for your dear ones, who are suffering from COVID and those who are sick with COVID, at this time of pandemic, we are offering prayers together with you,”sabi ng mga madre.
“Let us take courage because God is with us,” dagdag nito.
Analou de Vera