Hiniling na ni Senator Risa Hontiveros nitong Miyerkules sa Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) na suspendihin ang lahat ng transaksyon at kontrata ng Pharmally Pharmaceutical Corporation sa pamahalaan.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado nitong Setyembre 22, idinahilan ni Hontiveros ang umano'y mga kasinungalingan ng mga opisyal ng Pharmally kaya hindi na tama sa gobyerno na ipagpatuloy pa nito ang mga kontratang binayaran mula sa buwis ng mga Pinoy.

Sa pagkukuwenta ng mga senador, lumalabas na aabot sa ₱10 bilyon ang ibinigay sa Pharmally na kontratang "overpriced" na delivery ng emergency medical supplies na gagamitin sa paglaban sa pandemya ng COVID-1.

Sinabi ng senador na dati na niyang hiniling sa PS-DBM na ihinto ang pagtanggap ng proposals mula sa Pharmally kasunod ng natuklasan nito na may nakabinbing warrant of arrest sa Taiwan ang mga opisyal ng kumpanya.  

National

PBBM, balik-trabaho na? 2025 Nat'l Budget, muling pinag-aaralan

Sa nasabi ring pagdinig, nadiskubre rin na may mga transaksyon pa sa PS-DBM ang Pharmally.

Nabisto ito nang tanungin ni Hotiverossi Pharmally president Mohit Dargani kaugnay ng mga transaksyonng kumpanya.

Nauna nang inamin ni Dargani na niregaluhan nito ng Lamborghini URUS sports car na nagkakahalaga ng ₱25 milyon ang ang kanyang kapatid na babae.

Bukod dito, mayroon ding mamahaling kotse si Dargani na isang Porsche 911 Turbo S na nagkakahalaga naman ng ₱8.5 milyon.

Nabunyag ang pagbili ng mga nasabing sasakyan nang i-check ito ni Senator Richard Gordon saLand Transportation Office (LTO).