Bukod sa pasa sa leeg, nakitaan pa umano ng mga pasa ang bangkay ng visual artist na si Breana "Bree" Jonson na palatandaan na maaari itong nagpumiglas, ayon saSunga, Salandanan and Ampuan Law Office na kumakatawan sa pamilya nito.

“Contrary to prior statements circulating in the social media, the initial medico-legal report of Ilocos Training and Regional Medical Training Center (ITRMC) showed signs of struggle. There are bruises in some other parts of Breana’s body other than the neck,” paglilinaw ng naturang law firm.

Ang pahayag ng mga abogado ng pamilya Jonson ay salungat sa lumabas sa paunang imbestigasyon ng mga tauhan ngPolice Regional Office-Region 1 (PRO1) na nagsasabing walang mga bakas na palatandaan ng pagpupumiglasni Jonson.

Nauna nang inihayag ni PRO1 director, Brig. Gen. Emmanuel Peralta, hindi nila inaaalis ang posibilidad na nagkaroon ng foul play sa pagkamatay ni Jonson, gayunman, umiikot ang pagsisiyasat sa umano'y pagpapakamatay nito.

Probinsya

15-anyos na dalagita, patay matapos umanong gahasain ng 13 lalaki

Matatandaangnatagpuan ang bangkay ni Jonson sa isang kuwarto sa loon ng resort sa San Juan, La Union nitong Sabado.

Ang insidente ay ipinagbigay-alam sa pulisya ng partner nito na si Julian Ongpin, anak ng bilyonaryo at dating trade minister na si BobbyOngpin.

Kinasuhan si Ongpin kaugnay ng pagdadala ng iligal na droga matapos masamsaman ng 12.6 gramo ng cocaine sa loob ng inuupahan nilang silid. Sa pagsusuri ng pulisya, natuklasang positibo ang dalawa sa paggamit ng cocaine.

Gayunman, ayon kay Peralta, pinakawalan ng pulisya ang si Ongpin dahil wala umanong ebidensya upang kasuhan ito kaugnay ng pagkamatay ni Jonson.

Sa kabila naman ng mga nakitang pasa at sugat sa bangkay, sinabi ng mga awtoridad na dahil umano ito sa nagpupumilitni Jonson na pumasok ng banyo na batay lamang sa paglalahad ni Ongpin.

Igiinitnaman ng nasabing law office, ang kanilang pahayag ay batay sa medico-legal report ng ITRMC.

Sa initial findings ng pulisya, namatay si Jonson dahil sa asphyxia o kakapusan ng hangin nito sa katawan.

Tiniyak naman ng mga abogado ng pamilya ni Jonson na magsasagawa ulit ng autopsy ang National Bureau of Investigation.

Nasilip naman ng pulisya sa closed-circuit television (CCTV) camera na magkasama sina Jonson at Ongpin ilang oras bago matuklasan ang insidente.

“Based on the CCTV footage, we obtained information wherein the couple was seen engaged in a drinking session. But we cannot actually say that there was struggle,” pahayag naman ni PNP chief, Gen. GuillermoEleazar sa isang pulong balitaan sa Camp Crame, nitong Huwebes.

Aaron Recuenco