Iginiit ng mga lider ng Kamara sa Commission on Elections (Comelec) na palawigin pa nito ang rehistrasyon ng mga botante na nakatakdang mapaso ngayong Setyembre 30 para gawin hanggang Oktubre 31.

Naghain sina Speaker Lord Allan Velasco, Majority Leader Martin Romualdez at Minority Leader Joseph Paduano ng House Bill 10261, na humihiling sa Comelec na ma-extend ang rehistrasyon upang mabigyan ng pagkakataon ang may 12 milyon pang bagong botante na hindi pa rehistrado.

Ayon sa kanila, walong buwan na lang ang 2022 general elections kung kaya mahalagang lahat ng kwalipikadong Pilipino ay magkaroon ng pagkakataon na makaboto sa susunod na mga lider ng bansa.

Binigyang-diin nila na lubhang mahalaga ang eleksiyon sa isang demokratikong bansa.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“As a basic precept of democracy, each of our kababayans must be given the utmost and widest opportunity to participate in the electoral process,” pahayag nina Velasco, Romualdez at Paduano.

Ipinaliwanag ng mga lider ng Kapulungan na isang ordinaryong isyu lang ang voters’ registration kung walang pandemic. “But we are living under extraordinary circumstances. The public health crisis has been prolonged and many prospective voters have been forced to delay their registration this year and in 2020.”

 Bert de Guzman