Agad na umaksyon ang Manila Department Social Welfare o MDSW sa Maynila upang agad na malinis at maisaayos ang Lawton Bridge, nitong Setyembre 22, 2021, matapos maging viral ang Facebook post ng isang concerned netizen kung saan makikitang tila 'dugyot' ang underpass: maraming mga nakahiga sa sahig, nababakbak ang mga tiles, at ginawang sampayan ng mga damit at undergarments ang mga railings ng hagdanan.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/09/22/anyare-netizen-sinita-ang-maruming-lawton-underpass/">https://balita.net.ph/2021/09/22/anyare-netizen-sinita-ang-maruming-lawton-underpass/

Ayon kay Julius Leonen, Public Information Officer ng Maynila, isinagawa ng MDSW Rescue Team ang reach out operation mga dakong 10:00 PM hanggang 6:00 AM ng Setyembre 23, 2021 (third shift).

"The MDSW Rescue Team conducted a reach out operation along Quezon Bridge and Lawton Underpass at 3:30 AM. The team reached out to 4 individuals and turned over to Canonigo Covered Court," ani Leonen.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

No description available.
Larawan mula kay Julius Leonen

No description available.
Larawan mula kay Julius Leonen

No description available.
Larawan mula kay Julius Leonen

Samantala, sa panibagong Facebook post ni Yorme Isko, ibinida niya ang patuloy na pagpapanatili ng kalinisan at kaaliwasan sa kalakhang Maynila, sa tulong ng Department of Engineering and Public Works o DEPW. Gumamit siya ng hashtag na #BilisKilos.

"Tuloy ang gobyerno sa Maynila! Maraming salamat po sa mga kawani ng Department of Engineering and Public Works (DEPW) sa inyong mabilis na pagkilos upang mapanatili ang kaayusan at kaaliwasan ng ating minamahal na lungsod!

Good job Engr. Armand Andres at sa lahat ng kasamahan mo sa DEPW sa inyong di matatawarang sipag at dedikasyon! Keep it up! #BilisKilos," ani Yorme kalakip ang mga litrato.

May be an image of outdoors
Larawan mula sa FB/Ikso Moreno Domagoso

May be an image of one or more people and outdoors
Larawan mula sa FB/Ikso Moreno Domagoso

May be an image of one or more people, people standing and outdoors
Larawan mula sa FB/Ikso Moreno Domagoso

Samantala, wala naman siyang naging opisyal na pahayag hinggil sa naging viral Facebook post na nagpapakita ng kalagayan ng Lawton Underpass.