Hindi umano akma si Senador Richard Gordon na maging chairman ng Philippine Red Cross (PRC), lalo pa't nais nitong manatili sa Senado ayon kay Pangulong Duterte.

Ginawa ito ni Pangulong Duterte sa kanyang public address nitong Miyerkules, Setyembre 22 bilang pagpapatuloy sa kanyang word war kay Gordon, na pinangungunahan ang Senate Blue Ribbon Committee sa pagbili umano ng gobyerno ng overpriced coronavirus (COVID-19) supplies.

Sa kanyang pre-recorded briefing, tinanong ng Pangulo si Gordon kung sa palagay ba niya ay umaangkop siya sa prinsipyo ng Red Cross.

“‘Neutrality: In order to continue to enjoy the confidence of all, the Movement may not take sides in hostilities or engage at any time in controversies of a political, racial, religious or ideological nature,'” ani Duterte habang binabasa ang guiding principles ng Red Cross at Red Crescent.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

"“Masabi mo ba ito sa sarili mo? Gordon, can you really face the mirror? Do you fit into these stringent objectives of the Red Cross?” tanong niya kay Gordon.

Ayon pa sa Pangulo, dapat daw pumili si Gordon kung ano ang posisyon na pananatilihin niya-- pagka senador o chairman ng PRC.

“To me, under the law, you must give [up] either Red Cross, kung gusto mong maging senador pa," aniya.

“Pero para sa akin, you find the two positions very lucrative,”dagdag pa ng Pangulo.

Sinabi pa ni Duterte, dapat daw ay kasuhan ay Gordon dahil sa paghawak ng dalawang posisyon.

“Do not say that Red Cross and ikaw ay separate identity. That's bullshit," aniDuterte.

“You are a dual personality which is, you know, banned or prohibited by law. Dapat noon pa, dinemanda ka na," dagdag pa niya.

Sisiguraduhin ng punong ehekutibo na bibitawan ni Gordon ang pagka-Senador o ang Red Cross.

“Bawal talaga ‘yan. Bitawan mo na ‘yan kasi.we will — I will insist that you give up one because you cannot be both,” ani pa ni Duterte.

Argyll Cyrus Geducos