Ibinida ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso ang clean-up drive at beautification ng iba't ibang lugar sa Maynila nitong Setyembre 23, 2021, isang araw matapos lumabas ang viral Facebook post ng isang netizen hinggil sa maruming Lawton underpass, na nagawan na rin naman ng aksyon, ilang oras lamang ang nakalipas.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/09/22/anyare-netizen-sinita-ang-maruming-lawton-underpass/

Ipinagmalaki ni Yorme ang patuloy na isinagawang mga clean-up drive sa 'Estero de San Lazaro' sa kaniyang Facebook post.

"Nagpatuloy ang clean-up drive ng DPS Estero Rangers ngayong Huwebes, Setyembre 23 sa Estero de San Lazaro. Napuno nila ang 18 na sako ng iba't ibang basura mula sa nasabing estero," ayon sa caption. kalakip nito ang ilan sa mga kuhang litrato habang sinasamsam ng mga Estero Rangers ang mga kalat at basura sa nabanggit na estero.

National

32 katao naitalang naputukan; FWRI cases sa bansa, pumalo na sa 101!

Larawan mula sa FB/Isko Moreno Domagoso

Larawan mula sa FB/Isko Moreno Domagoso

"Hindi po kami titigil na gawing maayos at malinis ang ating lungsod kahit na tayo po ay kumakaharap ng pandemya. Tuloy-tuloy po ang gobyerno sa Maynila! Maraming salamat Dir. Kenneth Amurao at sa lahat ng bumubo ng DPS sa inyong ginawang mabilis na pag-aksyon! Mag-iingat kayong lahat palagi."

Ipinagmalaki rin ng alkalde ang pinagandang 'Vitas Skatepark' sa Tondo, Maynila.

"Hindi po kami tumitigil na tupdin ang ating layunin na magkaroon ng mas maaliwalas at mas maraming green spaces dito sa Lungsod ng Maynila."

"Sa tulong ng mga kawani ng Public Recreations Bureau, ito na po ang itsura ng Vitas Skatepark! Naglagay po ng tayo ng mga halaman, alinsunod sa ating pangarap para sa bawat Batang Maynila. Thank you Direk Pio Morabe sa inyong continuous effort para mapaganda ang ating minamahal na lungsod," patuloy pa niya.

Larawan mula sa FB/Isko Moreno Domagoso

Larawan mula sa FB/Isko Moreno Domagoso

Nitong Setyembre 23 ay ibinahagi naman ni Manila Public Information Officer Julius Leonen ang inaksyunang Lawton underpass ng Manila Department of Social Welfare o MDSW.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/09/23/matapos-masita-ng-isang-netizen-lawton-underpass-malinis-na/

"The MDSW Rescue Team conducted a reach out operation along Quezon Bridge and Lawton Underpass at 3:30 AM. The team reached out to 4 individuals and turned over to Canonigo Covered Court," ani Leonen.