Sabay sa ika-49 taong anibersaryo ng Martial Law noong Setyembre 21 ay na-ban nang panandalian ang TikTok account ng dating Senador Bongbong Marcos.
Nakikitang rason sa pag-ban sa account ni Marcos ang diumano'y mass reporting.
"BBM's account was removed from TikTok due to 'violation of community guideline,'" pagkukumpirma ni Ms. Emeral Ridao, social media manager ni BBM, sa isang Viber message sa Balita.
Mabilis rin na naibalik ang account ni BBM matapos ang pagkonsulta sa TikTok support.
"After submitting an inquiry to TikTok support, they indeed found that no guidelines had been violated and immediately restored the account," dagdag ni Ms. Ridao
Sa ngayon, mayroon nang 972.1k likes at 393.5k followers ang account ni Marcos na may username na @bongbong.marcos.