NUEVA ECIJA - Tumaas pa ang bilang ng active cases ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lalawigan.

Sa datos na Department of Health (DOH) sa lalawigan na isinapubliko ni Nueva Ecija-Inter-Agency Task Force (IATF) chairman at Governor Aurelio Umali, umabot na sa 2,741 ang aktibong kaso ng virus sa probinsya matapos madagdagan pa ng 381 ang kumpirmadong nahawaan ng sakit.

Kabilang sa nasabing kaso ang 680 na nahawaan mula sa District 1, District 2 (543), District 3 (906) at 612 sa District 4.

Paliwanag ni Umali, sa 2,741 aktibong kaso, 202 ang naka-quarantine sa pasilidad ng lalawigan, 360 ang nakaratay sa ospital at ang natitirang bilang ay naka-home quarantine.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Nilinaw pa ni Umali na ito na ang pinakamataas na bilang ng nahawawaan mula nang magsimula ang pandemya sa bansa.

Light Nolasco