Sa kabila ng mga kontrobersiyang kinasangkutan sa mga nagdaang buwang, may libreng community classes umano ang Nas Academy sa mga Pinoy na nagnanais na matuto ng content creation, sound design, cinematography at confidence-building sa loob ng apat na linggo.

Makikita sa kanilang Facebook post noong Setyembre 16, 2021 ang kaniyang paanyaya para sa mga netizens.

"Paano kung sabihin namin na maaari ka nang matuto ng content creation, sound design, cinematography at confidence-building nang LIBRE sa loob lamang ng 4 NA LINGGO?" ayon sa caption.

"We are proud to introduce the Nas Academy Philippines Community Classes! Mga libreng klaseng binuo ng Nas Academy na naglalayong pagtibayin ang Filipino Creator Community. Sama-sama ring magtuturo ang mga eksperto sa industriya!"

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Larawan mula sa FB/Nas Academy

Ganito rin ang makikita sa Facebook post ng founder nito na si Nuseir Yassin, o mas kilala bilang 'Nas Daily.'

"Philippines, Guess who's back? Community Classes!" aniya.

"Nas Academy is all about giving back, so we are running Free Community Classes in the Philippines. We're teaching LIVE our best 4 courses – 1 each week for the next 4 weeks. And this is your turn to see what all the hype is about."

"If you want to learn about content creation, sound design, cinematography, and confidence-building in just 4 WEEKS for free then sign up below- and I'll see you in class!!"

Larawan mula sa FB/Nas Daily

May be an image of 1 person and indoor
Larawan mula sa FB/Nas Daily

Naipatigil ang operations ng Nas Academy sa Pilipinas dahil sa isyu ng tattoo course ni ApoWhang-Od, ang pinakamatandang mambabatok sa PIlipinas.

Mula mismo sa review ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) ang nagsabing walang pahintulot ni Apo Whang-Od ang pagtuturo ng art of traditional tattooing sa Nas Academy.