Sa paggunita ng ika-49 na anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, Sr. noong Setyembre 21, 1972, ilan sa mga sikat na celebrities ang nagbahagi ng kanilang mga saloobin, pananaw, at reaksyon hinggil dito.
Si Angel Locsin ay nag-quote ng isang kilalang personalidad na si George Santayana. "Those who do not learn from histroy are doomed to repeat it," na may hashtags na #NeverAgain, #NeverForget, at #MarcosIsNotAHero.
Ayon naman sa beteranang aktres na si Agot Isidro na kilala sa kaniyang matatalas na political stand, "Never forget. Stop the killings." at ibinahagi pa ang video ng balita ng pagkakapatay kay Kian Delos Santos.
Tweet naman ni DJ Chacha, "Never forget. Never again,God bless Philippines.
Saad naman ni Mikoy Morales, "Di kasalanan ng anak ang mga kasalanan ng tatay niya". Kilala mo si Pablo Escobar? Yung anak niya, inamin ang mga pagkakamali ng tatay niya at nag-sorry sa mga pamilyang namatayan dahil dito. Parang di naman ginawa ni Bongbong 'yun. Pinagtatakpan pa nga."
"Stop the killings!" na may hashtags na #NeverForget, #NeverAgain, and #MarcosHindiBayani naman ang sigaw ni Chef Angelo Guison.
"Para sa mga kabataan who want to know more, hindi gawa-gawa ang kwento ng mga Martial Law victims. Totoong tao sila, mga anak, kapatid, magulang, lolo't lola,” wika naman ni Bianca Gonzalez.
Pahayag naman ng Kapamilya TV host na si Robi Domingo, "Sa Bayan ko, lalo na sa mga Kabataang Pinoy… Huwag makalimot. Hindi na muli. #NeverForget #NeverAgain."
Saad naman ng filmmaker na si JP Habac, "“Kapag namulat ka sa katotohanan, kasalanan na ang pumikit. #NeverAgain #NeverForget."
Maging ang iba't ibang film production companies ay nagbigay rin ng kani-kanilang mga mensahe gaya ng 'Black Sheep', 'IdeaFirst Company.'
"Sa Ika-49 na anibersaryo ng Martial Law, huwag nating hayaang burahin ang mga alaala ng mga nakipaglaban para sa ating karapatan at kalayaan," caption sa Instagram post ng IdeaFirst Company, na bumuo ng mga pelikulang 'Die Beautiful,' 'Barber's Tales,' 'Bwakaw,' 'Kalel,' at '15'.
Tweet naman sa opisyal na Twitter account ng 'Black Sheep:' "To forget is to deny the present of any meaning. #NeverAgain #NeverForget."
Samantala, inanyayahan naman ng Cultural Center of the Philippines (CCP) Film at Broadcast and New Media Division ang publiko na panoorin ang pelikulang 'Imelda' ni Ramona Diaz via Vimeo channel hanggang sa katapusan ng Setyembre 2021.