Naghain ng panukalang batas si House Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Zarate na naglalayong lumikha ng pangalawang lupon o claims board para sa pagbabayad sa libu-libong biktima ng Martial Law noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ginunita nitong Martes ang ika-49 anibersaryo ng deklarasyon ng batas militar sa bansa.

Ayon kay Zarate, kailangang bigyan ng angkop na reparasyon o kabayaran ang mga biktima ng batas militar na idineklara noong 1972.

National

Bilang ng mga naputukan pumalo na sa 43, ilang araw bago ang Bagong Taon

“It is also a way to compensate those who were not given compensation under RA (Republic Act) 10368,” anang mambabatas.

"That law, which was enacted back in 2013, provides reparation and recognition of victims of summary execution, torture, enforced disappearances, and other gross rights violations committed under the regime of the late dictator Ferdinand Marcos from 1972 to 1986,"aniya.

Libu-libo pa ring biktima ng human rights violations ang hindi nakapag-file ng kanilang claims sa ilalim ng RA 10368 bunsod ng iba't ibang kadahilanan.

Isinasaad ng panukala na tanging 6,000 ang nagkaroon ng karapatan na mag-appeal. May 60,000 ang tinanggihan ang mga claims ng Human Rights Victims Claims Board (HRVCB). Dahil dito, may 50,000 na nag-file ng claims ang hindi nakapag-file ng kanilang appeals.

“It is high time that justice and compensation should be given to the victims of the Marcos dictatorship because they have suffered enough and should not be subjected to another injustice,” pagbibigay-diin pa ng kongresista.

Bert de Guzman