Naghain ng panukalang batas si San Jose del Monte City Rep. Florida P. Robles nitong Miyerkules, Setyembre 22 upang patawan ng 30 araw na pagkakakulong ang mga eligible citizens na tatanggi sa COVID-19 vaccine.

Inihain ni Robes, chairperson of the House Committee on People Participation, ang House Bill No. 10249 na naglalayong gawing mandatory para sa lahat ng mga Pilipino ang bakuna laban sa virus.

Rep. Florida Robes, Lone District, San Jose del Monte City, Bulacan

National

Batikang journalist binaril sa loob ng bahay sa Aklan, patay!

Sa ilalim ng batas, ang pamahalaan ang sasagot sa gastos ng bakuna habang ang mga pribadong kompanya ay kailangan bumili para sa mga empleyado nito.

Ilang exemptions naman ang nakasaad kabilang na ang kondisyon sa kalusugan at nagkakaibang relihiyon.

Isang medical certificate mula sa isang ekperto ay kailangan upang hindi maging sakop ng batas.

Inilakip din ang anti-discrimination clause sa batas upang protektahan ang mga tatanggi sa bakuna alinsunod sa isang paniniwala at iba pang medikal na kondisyon.

Kung maisasabatas, haharap sa parusang 30 araw na pagkakakulong at P10,000 multa ang sinumang mapapatunayang walang sapat na dahilan para tanggihan ang bakuna.

Samantala, bibigyan ng vaccine pass ang mga fully vaccinated nang indibidwal para magkaroon ng access sa mga pampublikong tourism resort, assembly at mga amusement centers.

“We have Republic Act 10152 which is an act providing for the mandatory basic immunization services for infants and children and Republic Act 7846 which requires compulsory immunization against Hepatitis-B for infants and children below eight (8) years old,” paliwanag ni Robes.

“In the face of worldwide pandemic that is ravaging our country, it is crucial to implement a mandatory Covid-19 vaccination program for people who are eligible to get the vaccines in order to protect ourselves and our families but enable us to regain our economic foothold and resume our lives,” pagpupunto niya.

Ben Rosario