Usap-usapan ngayon sa social media ang matapang na patutsada ng komedyante-aktor-direktor-at writer na si John 'Sweet' Lapus sa kaniyang Twitter post noong Setyembre 19, 2021.

"Mga bakla! Wag kalimutan, sinabihan tayo niyan ng 'Masahol pa sa Hayop.'" ayon sa tweet ni Sweet. Wala mang binaggit na pangalan, espekulasyon ng mga netizens ay pasaring ito kay Senador Manny Pacquiao, na kamakailan lamang ay nag-anunsyo na tatakbo siya sa pagka-pangulo sa darating na National Elections 2022.

Sa entertainment vlog naman ni Ogie Diaz, nilinaw ni John sa isang video message na kung anuman ang ipinahayag niya sa tweet, 'yun na 'yun at walang halong eklavu!

"Yung tweet ko 'yun na 'yun, that is just a gentle reminder para sa LGBT community na one day isang araw ay may nagkumpara sa amin sa hayop, at sinabing mas masahol pa kami sa hayop!" ani John Lapus.

Pelikula

Barbie Forteza, magkakaroon ba ng pelikua; sinong leading man?

Larawan mula sa Twitter/John Lapus

Mukhang hindi naman daw nakakalimutan ng kaniyang mga kabaro ang naging kontrobersyal na pahayag ni Pacquiao sa LGBT noon.

Noong 2016, inulan ng batikos mula sa LGBTQIA+ community ang naging pahayag ni Pacquiao, na nag-ugat sa tanong kung pabor ba siyang maisabatas ang same-sex marriage sa bansa.

"Common sense lang, makakita ka ba ng any animals na lalaki sa lalaki o babae sa babae? Mas mabuti pa yung hayop marunong kumilala kung lalaki o babae, 'di ba? Ngayon kung lalaki sa lalaki o babae sa babae, mas masahol pa sa hayop ang tao," ani Pacquiao noon.

Screenshot mula sa YT/Ogie Diaz Showbiz Update

Bagama't humingi na siya ng tawad sa mga nasaling na miyembro ng LGBTQIA+ community, pinanindigan niya pa rin kung ano ang kaniyang paniniwala hinggil sa isyu. Nag-quote pa siya ng bersikulo mula sa Bibliya, na ibinahagi niya sa Instagram noong Pebrero 2016.

"I rather obey the Lord's command than obeying the desires of the flesh. Im not condemning anyone, but I'm just telling the truth of what the Bible says. The truth from the Bible is what changed me from my old ways. 1 Corinthians 6:9," ani Pacquiao.

"[9] Or do you not know that wrongdoers will not inherit the kingdom of God? Do not be deceived: Neither the sexually immoral nor idolaters nor adulterers nor men who have sex with men. God Bless everyone, I love you all."