Nakapag-ulat ng 15,592 bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) ang Department of Health (DOH) sa loob ng 24 oras.
Nasa kabuuang 2, 417,419 na ang kaso ng COVID-19 sa bansa mula nakaraang taon.
Samantala, 154 naman ang nadagdag sa mga nasawi kaya’t umabot na sa 37,228 o 1.54 percent ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa virus.
Pagpupunto ng DOH, ang case fatality rate (CFR) ngayon ay mas mababa pa rin kumpara sa datos noong 2020 sa kabila ng mas mataas na kasong naitatala sa isang araw.
“The DOH data showed that the CFR of the country in 2021 was at 1.47 percent as compared to 2.47 percent in 2020,” sabi ng DOH.
“The decrease shown in the national case fatality rate was multifactorial. One of the factors that the Department is considering is the overall improvement of the country’s healthcare system over the past year and its ability to cope with the higher demand for clinical assessment, referral, and management of cases,” sabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
“The COVID-19 vaccination program also played a role in the decrease. Vaccines continue to provide the promised protection against more severe COVID-19 and deaths. Moreover, this was the effect of the strategies and behavioral-change campaigns implemented as early as August 2020 to mitigate the risk of transmission and slow down the spread of COVID-19,”dagdag niya.
Samantala, 24, 059 naman ang nakarebor sa sakit ngayong araw, kung saan dinala ang kabuuang2,217,611 o 91.7 percent sa mga nagpositibong indibidwal ang fully recovered na.
Sa kasalukuyang datos, nasa 162, 580 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, 6.7 percent ito sa kabuuang bilang.
Sa mga pasyente, 92 percent ay nakararanas ng mild symptoms, 3 percent ang asymptomatic, 0.7 percent ang nasa kritikal na kondisyon, 1.5 percent ang severe habang 2.81 ang moderate condition.
Base sa DOH COVID-19 situationer, kalakhan sa mga aktibong kaso ay nanggaling sa Metro Manila sinundan ng Calabarzon, Central Luzon, Western Visayas, Cagayan Valley, Ilocos region, Davao region, Central Visayas, Cordillera Administrative Region, at Bicol Region.
Analou de Vera